^

Probinsiya

Pamamaril sa Cavite: 2 patay, 1 grabe

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Pamamaril sa Cavite: 2 patay, 1 grabe
Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang unang maganap ang pamamaril sa 436 Brgy. Molino 4, Bacoor City.
File

CAVITE, Philippines – Dalawa ang patay kabilang ang isang barangay kagawad sa magkahiwalay na pamamaril sa lalawigang ito kamakalawa.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang unang maganap ang pamamaril sa 436 Brgy. Molino 4, Bacoor City.

Habang nagpapahinga sa kubo malapit sa kanilang bahay sina Narciso Sarte, 50, barangay kagawad ng Molino 4 at Albert Herera nang bigla silang pagbabarilin ng isang hindi kilalang gunman.

Patay agad si Sarte habang ginagamot pa sa ospital si Herera at iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

Samantala, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang pagbabarilin ang biktimang si Eric Rodas habang naglalakad sa Daang Amaya 1, Tanza na agad namatay sanhi ng tinamong mga tama ng punglo sa katawan. Nagsasagawa na ng dragnet operation ang pulisya laban sa suspek.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with