^

Probinsiya

3 katao todas sa road mishap

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Tatlo ang kumpirmadong patay sa magkakahiwalay na aksidente sa lansangan sa lalawigan ng Quezon, kamakalawa.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) director P/Col. Audie Madrideo, unang nangyari ang aksidente sa Brgy. San Jose, General Luna, Quezon dakong alas-12:00 ng tanghali. Bumagok ang ulo ni Luvimin Bueno, 43, sa sementadong kalye matapos siyang tumilapon mula sa pagkakaupo sa likod ng minamanehong tricycle ng live-in partner na si Junio Bollo, 55.

Ayon sa QPPO Tumatawid naman sa madilim na bahagi ng Calabarzon Road sakop ng Purok Maabo, Brgy. Mayao Parada dakong alas-7:30 ng gabi ang 17-anyos na estudyanteng si Jessamy Cantos nang mabangga ng Dalahican bound na Suzuki Raider na minamaneho ng walang mga helmet at lisensya na si Miguel Dador, 50. Nadala pa sa ospital si Dador su­balit kalaunan ay namatay dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Samantala, basag din ang bungo ni Paterno Arbelon, 55, nang mabangga ng motorsiklo ng photographer na si Wensel Bo­ngaway, 30, ng Calamba City dakong alas-11:30 ng gabi sa highway ng Brgy. Hinguinwin, Padre Burgos, Quezon.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with