^

Probinsiya

Konsehal sa Pangasinan itinumba

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon
Konsehal sa Pangasinan itinumba
Sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office, kinilala ang biktimang si Virgilio Calizo, Jr., 42-anyos, kasalukuyang municipal councilor ng San Jacinto at residente ng Barangay Guibel.
File

SAN JACINTO, Pangasinan, Philippines — Isang konsehal ng bayang ito ang nasawi makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek kamaka-lawa ng gabi.

Sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office, kinilala ang biktimang si Virgilio Calizo, Jr., 42-anyos, kasalukuyang municipal councilor ng San Jacinto at residente ng Barangay Guibel.

Base sa paunang pagsisiyasat, ang biktima kasama ang maybahay nitong si Grace Calizo habang sakay ng kanilang L300 van nang huminto sila malapit sa isang sari-sari store sa Brgy. Imelda.

Bumaba si Grace upang bumili ng bottled water sa kalapit na tindahan habang hinihintay nila ang isang kliyente sa kanilang negosyong catering. Habang nasa loob ng kanilang sasakyan ang konsehal, biglang sumulpot ang ‘di kilalang lalaki saka siya tinabihan at malapitang binaril sa ulo.

Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril, ayon pa sa ulat.

Isinugod ang biktima sa isang pagamutan sa lungsod ng Da­gu­pan subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with