^

Probinsiya

2 bata nalunod sa outing

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 bata nalunod sa outing
Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga, nagpunta sa dagat ang magkapatid kasama ang mga kapamilya para maligo para sa kanilang “fami­ly outing.” Gayunman, makalipas ang mahigit isang oras, tumatakbong umahon at nagsumbong ang kanilang pinsang si Jomar na tinangay ng malakas na agos ang magkapatid.
File

Legazpi City, Albay, Philippines — Parehong patay at palutang-lutang sa karagatan nang matagpuan ang magkapatid na paslit matapos na tanga­yin ng malalaking alon at nalunod sa kani­lang paliligo sa dagat sa kanilang family outing sa Brgy.Tambongon sa Viga, Catanduanes kamaka-lawa ng umaga.

Unang nakuha dakong alas-12:30 ng tanghali ang bangkay ni Mark Justin Orcilada, 9-anyos at alas-8 ng gabi naman natagpuan ang katawan ng nakatatandang ka-patid na si Ysha Jane,11-anyos, pawang residente ng Brgy. San Vicente, nasabing bayan.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga, nagpunta sa dagat ang magkapatid kasama ang mga kapamilya para maligo para sa kanilang “fami­ly outing.” Gayunman, makalipas ang mahigit isang oras, tumatakbong umahon at nagsumbong ang kanilang pinsang si Jomar na tinangay ng malakas na agos ang magkapatid.

Agad humi­ngi ng saklolo ang mga magulang sa barangay sa pangungu­na ni Kapitan Borro­meo Ocray na agad lumusong para hanapin ang magkapatid pero uma­bot ng ilang oras bago magkasunod na nareko­ber.

vuukle comment

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with