2 patay, 7 nasaktan sa road mishap
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay at pito ang malubhang nasugatan sa road accident sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon kamakalawa.
Batay sa ulat, ang unang aksidente ay nangyari sa provincial road ng Barangay Camaysa, Tayabas City dakong alas-3:10 ng hapon. Minamaneho ni Randy Malate ng Brgy. Gulang-gulang, Lucena City ang passenger jeepney (DWM-414) nang matanggal ang kaliwang unahang gulong nito na naging sanhi upang magpaekis-ekis ang takbo at bumangga sa kasalubong na jeepney na minamaneho ni Allan Catuera ng Barangay Dapdap.
Dumiretso pa sa palayan ang jeep ni Malate sanhi upang magtamo siya ng grabeng pinsala sa ulo at kinalaunan ay namatay ang pasaherong asawang si Ederly Malate at ikinasugat ng iba pa na sina Lanie Actug, Jean Alysa Malate, 10; Monica Zubieta at Nico Elarco, 8.
Samantala, dahil sa pagmamaneho nang lasing ay bumangga sa puno ng Narra sa Brgy. Balay-balay, Mauban, dakong alas-5:30 ng hapon ang motorsiklo ng 17-anyos na si John Arthur na kanyang ikinasawi at malubhang ikinasugat ng mga angkas na sina Maria Renneth Diaz at Chris Matthew Eranista.
- Latest