Rapper ‘Xander Bay’ tiklo sa droga
ANGELES CITY, Philippines — Isang sikat na rap artist ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region III sa Friendship Hi-way, Brgy. Cutcut, ng lungsod noong Linggo ng madaling araw.
Sa ulat sa tanggapan ni PDEA-3 Director Gil Pabilona, kinilala ang suspek na si Arnly Dimabuyu alyas “Xander Bay”, 21, na isa ring blogger at YouTube sensation.
Ayon kay Pabilona, si Xander Bay na nagtatrabaho bilang rapper ay nagbebenta ng party drugs sa party ng kanyang mga followers.
Nasamsam sa suspek ang 5 gramo ng marijuana, 9 na kulay pink na ecstasy pills na may street value na P15,900.00 at marked money na ginamit sa buy-bust.
Pormal nang kinasuhan ang rapper dahil sa pagbebenta at pag-iingat ng illegal na droga o paglabag sa Section 5 at Section 11 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest