^

Probinsiya

P14.3-M marijuana samsam, 6 timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P14.3-M marijuana samsam, 6 timbog
Sa report, unang si­nalakay ng Danao City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Visayas ang may 500 metro kuwadradong plantasyon ng marijuana sa Brgy. Licos bandang alas-7:30 ng umaga kung saan nakumpiska ang mga puno ng marijuana na aabot sa P4.1 milyon, 4,000 binhi at mga buto nito na nasa P160,000.

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga awtoridad kasunod ng pagkakasamsam sa P14.3 milyong halaga ng marijuana na binunot at sinunog sa dalawang magkahiwalay na plantasyon na nagresulta rin sa pagkakaaresto ng anim na katao  sa Danao City, Cebu  kamakalawa.

Sa report, unang si­nalakay ng Danao City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Visayas ang may 500 metro kuwadradong plantasyon ng marijuana sa Brgy. Licos bandang alas-7:30 ng umaga kung saan nakumpiska  ang mga puno ng marijuana na aabot sa P4.1 milyon, 4,000 binhi at mga buto nito na nasa P160,000.

Arestado sa operas­yon ang suspek na sina Benjie Salde Depositario, 34; Inocentes Juntilla Depositario, 59; Berting Salde Depositario, 27, at Melvin Salde Depositario, 30, na nasamsaman ng isang cal. 45 baril at mga bala.

Sinalakay din ng mga operatiba  ang mas malaking plantasyon ng marijuana sa Brgy. Langosig dakong alas-9 ng umaga at nabunot dito ang tinatayang 25,000 malalaking puno ng marijuana na P10 mil­yon ang halaga. Nasakote rito ang mga suspek na sina Jay Basalo Acidillo at Jhosar Basalo Acidillo, parehong nasa drug watchlist ng pulisya at PDEA Region 7.    

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

MARIJUANA

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with