Purok leader utas sa tandem
ANGELES CITY , Philippines — Isang purok leader ang itinumba ng riding-in-tandem sa 6th Street, Brgy. Balibago ng lungsod na ito, Martes ng umaga. Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Major Dickson Tolentino, kinilala ang biktimang si Dominador Gomez, 49, residente sa nasabing barangay.
Dakong alas-10:00 ng umaga habang nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kapitbahay nang dikitan ng mga suspek na sakay sa single motorcycle saka pinagbabaril saka sila mabilis na tumakas. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay.
- Latest