^

Probinsiya

2 motor inararo ng SUV: 3 patay

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 motor inararo ng SUV: 3 patay
Nakilala ang mga biktima na sina Daud Asnan 30-anyos, Abdillah Ali 60-anyos kapwa ng Barangay Gang, Sultan Kudarat Maguindanao at isang mi-yembro ng militar na si Staff Sergeant Arlan Orete.

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Tatlo katao ang nasawi kabilang ang isang sundalo matapos na araruhin ng isang SUV ang sinasakyan nilang motorsiklo at payong-payong na tricycle sa naganap na aksidente sa Barangay Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao, Huwebes ng gabi

Nakilala ang mga biktima na sina Daud Asnan 30-anyos, Abdillah Ali 60-anyos kapwa ng Barangay Gang, Sultan Kudarat Maguindanao at isang mi-yembro ng militar na si Staff Sergeant Arlan Orete.

Ayon kay Sultan Mastura Police Chief Investigator, P/Chief Master Sergeant Amirhan Isnain, inararo umano ng Montero Sports na minamaneho ni Minandang Sendad ang motorsiklo at payong-payong habang bumabagtas sa naturang lugar dakong alas-9:40 ng gabi. Sina Asnan at Ali ay ang sakay ng payong-payong habang si Staff Sergeant Arlan Rosete ang lulan ng single motorcycle.

Nasa kustodya na ng Sultan Mastura Police si Sen-dad na nahaharap sa patung-patong na kaso. 

vuukle comment

CAR ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with