^

Probinsiya

Trike driver dinedo ng pasahero

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Trike driver dinedo ng pasahero
Namatay habang ginagamot sa MMG Hospital sa Lucena City ang biktimang si Kenneth Luna, 21, binata at residente ng Barangay Mayhay, Pagbilao. Ayon sa mga saksi, dakong alas-11:45 ng gabi habang nakahimpil sa entrada ng Intertown Homes Subdivision ang biktima upang mag-pickup ng pasahero nang dumating ang isang hindi nakikilalang lalaki na nasa 25-30 ng edad, nakasuot ng puting t-shirt at shorts at may kasamang babae.
File Photo

PAGBILAO, Quezon, Philippines — Lumuwa ang bituka ng isang tricycle dri­ver makaraang saksakin ng kanyang pasahero kamakalawa ng gabi sa Barangay Bukal ng bayang ito.

Namatay habang ginagamot sa MMG Hospital sa Lucena City ang biktimang si Kenneth Luna, 21, binata at residente ng Barangay Mayhay, Pagbilao. Ayon sa mga saksi, dakong alas-11:45 ng gabi habang nakahimpil sa entrada ng Intertown Homes Subdivision ang biktima upang mag-pickup ng pasahero nang dumating ang isang hindi nakikilalang lalaki na nasa 25-30 ng edad, nakasuot ng puting t-shirt at shorts at may kasamang babae.

Sumakay umano ang lalaki at kasama nitong babae sa tricycle ng biktima at nagpapahatid sa loob ng subdivision, subalit hindi pa sila nakalalayo ay bumunot ng patalim na “bente nueve” mula sa baywang ang suspek at agad na inundayan ng saksak ang biktima.  Nang bumagsak sa kanyang tricycle ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek at kasama nitong babae.

vuukle comment

TRIKE DRIVER KILLED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with