^

Probinsiya

6 tiklo sa drug raid

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Anim na kato kabilang ang dalawang menor-de-edad ang naaresto matapos maaktuhan ng pulisya na sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay ng isang target na tulak na ginawa nang drug den sa ginawang pagsalakay ng pulisya kahapon ng madaling araw sa Brgy. Ligtong III, Rosario ng lalawigang ito.

Kinilala ni P/Major Dhefry Punzalan, hepe ng pulisya sa bayang ito ang mga suspek na sina Rona Lising alyas Bonsay, 18-anyos; ka-live in nito na si Rodney Dela Cruz, 18, construction worker; kapwa ng  Brgy. Ligtong III, Rosario at mga target ng drug bust na sina Marvin Alejo, 40-anyos, construction worker; Jolito Aguilar, 40, construction worker, mga taga- Brgy. Ligtong III ng bayang ito;  at ang dalawang menor-de-edad na 15 at 16-anyos; pawang mga nasa drug watchlist ng pulisya.

Ayon kay Major Punzalan, nakatanggap sila ng impormasyon na ang mag-live in umanong tulak ay nagpapa-shabu session sa kanilang bahay at kahit na umano mga kabataan ay hindi nila pinalalagpas at binebentahan din ng droga. Agad nilang ikinasa ang buy-bust ganap na ala-1:30 ng madaling araw at nang magpositibo ang transaksyon ay dito na nadakma ang mag-live in partner na  mismong nakipag-deal sa police poseur buyer. Natiklo naman sa aktong nagsha-shabu jamming ang iba pang suspek sa bahay ng mga target sa ope­rasyon.

vuukle comment

DRUG RAID

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with