^

Probinsiya

Motor salpok sa SUV: 2 tigok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang binatilyo na magka-angkas sa isang motorsiklo matapos silang sumalpok sa kasalubong na sports utili- ty vehicle (SUV) makaraang mag-counterflow sa highway ng Panglao, Bohol nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang nasawing rider na si Marlon Ambi at angkas nitong si Nino Rey Diwang, pawang 18-anyos at mga residente ng Brgy. San Miguel ng bayang ito.

Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang driver ng Nissan Tierra na nakilalang si Leo Ildefonso Calipusan, 44, anak ni Loboc, Bohol Mayor Leon Ca­lipusan.

Base sa ulat ng Panglao Municipal Police Station (MPS), naganap ang salpukan ng dalawang sasakyan dakong alas-9:50 ng gabi sa kahabaan ng Brgy. Bili­san ng bayang ito.

Sa salaysay ng isang nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong gamit ng mga biktima na biglang nag-counterflow at hindi nakaiwas sa ka-salubong na SUV dahilan upang sumalpok ito.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga biktima na nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan habang nawasak ang unahang sasakyan ni Calipusan ay masuwerteng hindi naman ito nasaktan.

Samantala nagkaroon na ng pag-uusap si Calipusan at ang pamilya ng dalawang biktima dahilan upang hindi na magsampa ng reklamo ang mga ito laban sa una.

 

vuukle comment

SALPOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with