^

Probinsiya

Lider ng drug group, utas sa buy-bust

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lider ng drug group, utas sa buy-bust

MANILA, Philippines — Napatay ang umano’y high value target (HVT) na tumatayong lider ng isang sindikato ng droga habang arestado ang live-in partner nito sa isang buy-bust operation ng pulisya na ikinasamsam ng nasa P2.7-milyong droga kahapon ng umaga sa Victorias City, Negros Occidental.

Kinilala ni PRO 6 Director P/Chief Supt. John Bulalacao ang napatay na suspek na si Leoner Jalandoni, ng  Sitio Sibucao, Brgy. Banago, Bacolod City habang ang nadakip na live-in partner nito ay si Janine Cruz, 18-anyos.

Sa ulat, alas-8:10 ng umaga nang magsasagawa ng buy-bust ang pinagsanib ng puwersa ng Anti Drug Enforcement ng Victoria City Police Station at Intelligence Unit ng Bacolod City Police Office sa Estrella Subd., Brgy. 6, Victorias City laban sa mga suspek. Gayunman, nakatunog umano si Jalandoni na ang kanyang katransaksyon ay isang pulis kaya bumunot agad ng baril at pinaputukan ang mga otoridad dahilan ng shootout na kanyang ikinabulagta.

Narekober sa lugar ang P2.7 milyong ilegal na droga, P27,000 marked money, timbangan at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

HIGH VALUE TARGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with