^

Probinsiya

Bulacan handa na sa Semana Santa

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

LUNGSOD NG MALOLOS , Philippines  —  Dahil sa taunang pagdagsa ng mga turista at motorista sa Bulacan at sa mga kalapit lalawigan, muling ipatutupad ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang “Lakbay Alalay (SUMVAC) 2019” ngayong Semana Santa.

Tatlong lugar sa Bulacan ang tatayuan ng first aid stations mula Abril 18-19, 2019 at bukas 24/7 sa Brgy. Kapitangan sa Paombong at National Shrine and Parish of the Divine Mercy sa Brgy. Sta. Rosa I, Marilao habang mula Abril 15-21 naman sa harap ng Gusali ng Kapitolyo mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Sinabi ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado na layon ng gawaing ito na masigurong ligtas ang mga biyahero at motorista na daraan at papasyal sa lalawigan kung kaya’t inatasan ang mga kawani mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Mangement Office-Bulacan Rescue, PNP, Philippine Army, non-government organizations, mga volunteer na rescue team at katuwang na iba’t ibang C/MDRRMO sa lalawigan na tumao sa nasabing mga istasyon.

“Taun-taon ay sinisikap po natin na siguruhin ang kaligtasan ng mga motorista at turista lalo pa at ang ating lalawigan ay isa sa mga dinarayo sa panahon ng Kuwaresma,” ani Alvarado.

Aniya, sa oras ng pangangailangan o emergency, maaa­ring tumawag sa emergency hotline na (044)7910566.

vuukle comment

LAKBAY ALALAY (SUMVAC) 2019”

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with