^

Probinsiya

Bus vs van: 1 patay, 7 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CALAUAG, Quezon  , Philippines  —  Isa ang patay habang pito ang sugatan nang magsalpukan ang isang pampasaherong bus at closed van sa Maharlika highway, Brgy. Marilag, kamakalawa ng gabi.

Nasawi sa banggaan ang driver ng Mitsubishi Canter closed van na si Lydio Bautista, 55, may asawa, at residente ng Brgy. Mambugan, Antipolo City.

Ginagamot naman sa Magsaysay District Hospital sa Lopez, Quezon ang mga nasugatang sina Domingo Pizania, 24, driver ng bus (EVM 940) ng St.Jude Transport Lines, Inc., Vicky Clerigo, Carmen Gariando, Borabo Baltazar, Rolando Ilaya, John Mark Ilaya, at Jeowyne Magallon.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi nang magkasalubong na binabagtas ng bus at ng van ang naturang highway sa nasabing lugar nang maganap ang salpukan matapos tangkain ni Bautista na mag-overtake sa sinusundan nitong sasakyan.

Dahil sa lakas ng banggaan ay nawasak ang unahang bahagi ng van na agad ikinamatay ni Bautista at ikinasugat ng pitong iba pa.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with