^

Probinsiya

Obrero pinabulagta sa maisan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tig-isang tama ng bala sa dibdib at ulo ang agad na ikinasawi ng isang 28-anyos na construction worker matapos pagbabarilin sa gitna mismo ng taniman ng mais ng hindi pa nakikilalang gunman habang papasok sa kanyang trabaho sa Zone-1, Brgy.Siba-O, Calabanga, Camarines Sur kamakalawa.

Patay na nang matagpuan ng kanyang mga kaanak at residente ang biktimang si Roger Velasco Castillo, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali, nagtaka umano ang bayaw ng biktima na si Roberto Pajavera nang madaanan ang motorsiklo ng huli na nasa tabi ng taniman ng mais. Nang kanyang usisain, laking gulat nito nang makitang nakadapa ang biktima sa gitna ng maisan na duguan at wala nang buhay.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Aileen Pa­nuelos, dakong alas-6 ng umaga nang umalis ang una lulan ng motorsiklo patungong bayan ng Magarao upang pumasok ng trabaho.

Sa imbestigasyon, posibleng inabangan umano ng ‘di kilalang suspek ang pagdaan ng biktima sa nasabing lugar at dinala ito sa gitna ng maisan saka roon pinagbabaril.

vuukle comment

CAMARINES SUR CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with