^

Probinsiya

Ex-tserman arestado sa raid

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Ex-tserman arestado sa raid

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  —  Isang dating barangay chairman ang inaresto ng mga awtoridad matapos matiklo na nag-iingat ng iba’t ibang kalibre ng baril sa isinagawang pagsalakay sa kanyang tahanan sa Roxas, Isabela kamakalawa ng umaga.

Ayon kay P/Sr. Supt. Ronald Gayo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Cagayan Valley, kinilala ang nahuling suspek na si Demetrio Galves, 61, dating kapitan at residente ng Barangay San Antonio, Roxas sa nasabing lalawigan.

Sa ulat, dakong alas 9:30 ng umaga nang salakayin ng CIDG, Roxas Police at ilang mga operatiba ng Isabela Police Provincial Office ang lungga ni Galves,  bitbit ang isang search warrant dahil sa pag-iingat ng matataas na kalibre ng armas. Nasamsam sa lugar ang isang Federal MK-9 0538 Uzi; isang 12 gauge shotgun; isang STI international cal. 45; 1- Colt caliber .45, dalawang holster at sari-saring mga bala.

Ang pagdakip kay Galves na nasaksihan mismo ng ilang mga barangay kagawad ay base sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Exec. Judge Bernabe Mendoza, ng RTC Branch 23 sa Roxas, Isabela nitong Pebrero 6.

vuukle comment

ARRESTED

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with