^

Probinsiya

SB secretary itinumba sa Cotabato

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
SB secretary itinumba sa Cotabato

MANILA, Philippines — Patay ang isang Sangguniang Bayan (SB) secretary matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong salarin na pumasok sa tahanan nito sa Brgy. Poblacion, President Roxas, Cotabato nitong Martes ng gabi.  

Kinilala ang biktima na si Robert Herbilla, Sangguniang Bayan Secretary ng munisipalidad ng President Roxas at residente sa lugar.

Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan sa nasabing bayan.  

Sa ulat ni Chief Inspector Rolly Oranza, hepe ng President Roxas Police, bandang alas-8:45 ng gabi nang bigla na lamang pumasok ang salarin sa taha­nan ng biktima at nang makita ang target sa sala ay agad na pinagbabaril sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa mukha at likod.

Tumakas ang gunman at sumakay sa isang scooter ng kasamahan nito na nagsilbing lookout sa krimen habang ang isa pang suspek ay sumakay sa Honda XRM motorcycle.

Narekober sa crime scene ang tatlong cartridge at isang slug ng cal. 45 pistol. 

Si Herbilla ay magugunitang “subject” ng search warrant ng PRO-12 na may kinalaman sa ilegal na droga. Nasampahan na rin siya ng drug case noong Disyembre, 2018 pero nakapagpiyansa. 

vuukle comment

ROBERT HERBILLA

SANGGUNIANG BAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with