^

Probinsiya

Selyo para sa ‘Araw ng mga Puso’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Korporasyong Pankoreo ng Pilipinas o PHLPost ang bagong disenyo ng sel­yo para sa Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.

 Ang Araw ng mga Puso ay ipinagdiriwang sa buong mundo tuwing Pebrero 14 ng bawat taon. Kaugnay nito, ginagawa ang mga romantikong gawain katulad ng pagpapadala ng liham at bulaklak sa kanya-kanyang minamahal.

 Ang puso, kalapati, at kupido ang ilan lamang sa mga sumisimbolo sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso o Valentine’s Day. Ngayong taon, ang disenyong inihanda ay tinatampok ang “King and Queen of Hearts” sa pambansang kasuotan upang maipakita ang Pilipinong pamamaraan ng selebras­yon sa bansa.

 “Ang hari sa disenyo ay ibinibigay ang kanyang puso sa kanyang reyna, habang ang reyna naman ay ibinibigay ang kanyang pangakong pagmamahal sa hari bilang kapalit,” ayon kay Eunice Beatrix Uy Dabu na siyang nagdisenyo ng selyo.

 Ang selyong nagtatampok sa Araw ng mga Puso ay maaari nang mabili sa Philatelic counter ng Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio 1000, Manila at sa mga piling postal areas ng PHLPost. 

vuukle comment

PHLPOST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with