^

Probinsiya

‘Drug peddler’ dedo sa buy-bust

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
�Drug peddler� dedo sa buy-bust
Kinilala ni Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, Police Regional Office 3 director ang napatay na suspek si Andrei Amurao, umano’y nasa drug watchlist at residente sa nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Amurao at isang pulis ang nagpanggap na buyer ng shabu.
Joven Cagande

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines — Patay ang isang hinihinalang  “drug peddler” matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng Mabalacat City Police na nagsagawa ng isang anti-illegal drug operation sa Brgy. Dau, Mabalacat City Lunes ng tanghali.

Kinilala ni Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, Police Regional Office 3 director ang napatay na suspek si Andrei Amurao, umano’y nasa drug watchlist at residente sa nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Amurao at isang pulis ang nagpanggap na buyer ng shabu.

Nang magkaabutan ng droga at marked money, nakahalata umano ang suspek kaya tumakbo sa loob ng kanyang bahay at pinutukan ang mga pulis subalit sumablay ito sanhi upang gumanti ang mga operatiba na ikinabulagta ng suspek. Nasamsam sa lugar ang 19 plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng  P100,000, isang cal. 38 baril at P1,000 marked money.

“We continue working double time to stop the proliferation of illegal drug in the region, as we are relentless in our anti-illegal drugs operations,” ani Coronel. (Raymund Catindig)

vuukle comment

DRUG BUY-BUST-OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with