^

Probinsiya

Rider, angkas durog sa bus!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dalawa katao ang nasawi matapos magbanggaan ang isang motorsiklo at bus sa Maharlika Highway sa Brgy. Mercedez sa Pilar, Sorsogon kamakalawa.

Dead-on-arrival sa pagamutan sina Roberto Llabres, 35, driver ng motorsiklo at angkas na si Arwin Altabano, 35; kapwa ng Brgy. Anislag, Daraga. Arestado naman ang driver ng bus na si Edmund Gura Guam, 46-anyos, ng Brgy. Bago, Bulan, Sorsogon.

Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon, mabilis at magkasalubong na binabagtas ng motorsiklo ng mga biktima at ng bus ng St. Martha Bus Lines (TYG-154) ang highway nang biglang okupahin ng bus ang linya ng motorsiklo sanhi upang magbanggaan. Sa lakas ng impact, tumilapon ng malayo ang dalawang magkaangkas na biktima habang halos madurog ang kanilang motorsiklo.

Sinubukan pang isugod ng mga residente sa Vicente Peralta Memorial Hospital ang dalawa pero kapwa sila idineklarang patay.

vuukle comment

LEGAZPI CITY ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with