^

Probinsiya

2 ‘tulak’ arestado sa checkpoint

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Arestado ang dalawang umano’y ‘tulak’ ng droga matapos makumpiskahan ng mga otoridad ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang Comelec Checkpoint nang parahin ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Brgy. Poblacion 1, Gen. Mariano Alvarez, sa lalawigang ito, kamakalawa. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na pawang construction worker na sina Henrick Alix,, 33, taga-Dasmariñas City; at Francisco Rayses, 29, ng Brgy. Gregoria de Jesus, GMA.

Sa ulat ng pulisya, sa pagsisimula ng election period kamakalawa, sa inilatag na checkpoint sa nasabing lugar ay pinara ng mga pulis ang mga suspek dakong ala-1:50 ng madaling araw dahil pawang walang suot na mga helmet ang mga ito at walang plaka ang gamit na motorsiklo. Hinanapan ng lisensya at dokumento ang gamit nilang motor ngunit nang walang maipakita ay saka kinapkapan kung saan nakuhanan ang mga ito ng dalawang plastic sachet ng shabu na may timbang na 1.5 gramo at nagkakahalaga ng P20,000.  Nabatid na kaka-pick-up lamang ng mga suspek ang shabu na kanila sanang ibebenta.

vuukle comment

ARRESTED

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with