^

Probinsiya

Biyudo itinumba sa ‘love triangle’

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Pinaniniwalaang “love triangle” ang dahilan sa pagbaril at pagpatay sa isang 43-anyos na biyudo ng ‘di pa nakilalang gunman sa Purok Pananag, Barangay Managa, Bansalan, Davao del Sur kamakalawa.

Kinilala ni Chief Inspector Rodante Varona, hepe ng Bansalan Municipal Police Station ang biktima na si Rico Licawan Endar, magsasaka ng nabanggit na lugar.

Sa ulat, alas-9:30 ng umaga nang makarinig ng putok ang kaanak ng biktima at nakita na bigla na lamang bumulagta ang huli makaraang barilin sa ulo ng isang gunman na mabilis na tumakas matapos ang krimen. Agad na nasawi sa lugar ang biktima.

Isa sa mga sinisilip ng pulisya na dahilan ng pagpatay ay ang love triangle.

Sinabi ni Varona na may “persons of interest” na sila sa pagkamatay ng biktima at inaasahan nilang maisasampa ang kaso ngayong Lunes.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with