^

Probinsiya

Van vs hauler: 4 magkaanak patay, 5 grabe

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Van vs hauler: 4 magkaanak patay, 5 grabe
Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Hannah Barrameda,10-anyos; Yahzie Barrameda, 4; Anjanette Barrameda, 18; pawang dead-on-arrival sa pagamutan habang isang hindi nakilala ang nasawi habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
File Photo

MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang dalawang paslit ang nasawi habang lima pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang utility van at kasalubong nitong hauler sa highway ng Brgy. Tuaca, Basud, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Kinilala  ang mga nasa­wing biktima na sina Hannah Barrameda,10-anyos; Yahzie Barrameda, 4; Anjanette Barrameda, 18; pawang dead-on-arrival sa pagamutan habang isang hindi nakilala ang nasawi  habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Joy Barrameda, 29 ; Jerome Barrameda, 13; Jero Barrameda, 7-anyos;  Johaira Ote, 19,  at  Cyril Benito, 26; pawang nilalapatan na ng lunas sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, nangyari ang malagim na sakuna sa kahabaan ng Maharlika highway sa Brgy Tuaca, Basud, ng nasabing lalawigan bandang alas-7 ng umaga.Habang bumabagtas ang  kulay puting Toyota Hi Ace commuter van (050103)  na minamaneho ni Juhaiber Ote, 29, sa Maharlika highway patungo sa Daet  nang mawalan ito ng kontrol sa manibela sanhi ng madulas na kalsada bunsod ng mga pag-uulan pagsapit sa lugar. Bunga nito, sumalpok ang uti­lity van sa kasalubong nitong hauler na minamaneho  naman ni Romulo Aliboso Jr.,  sa kabilang linya  at bumangga rin ito sa isang bahay sa tabi ng highway.

 Sa lakas na banggaan, nasugatan ang mga biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas. Isinailalim sa kustodya ng pulisya ang driver ng van na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with