^

Probinsiya

Konduktor dedo sa kainuman

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —   Todas ang isang konduktor ng bus nang ataduhin ng saksak ng kainuman makaraang magkapikunan sa kanilang pinag-uusapan sa Brgy. Talaba 2, Bacoor City, sa lalawigang ito, kamakalawa ng madaling araw. Ang napatay na biktima ay si Jomar Madeloso Hemor, 26, habang naaresto naman sa follow-up operation ng mga pulis ang suspek na si Salvador Raquion, 37, pawang taga-Meadow Park Subd. Brgy. Molino 4. 

Ayon sa ulat ng pulisya, habang nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang iba pang kaibigan dakong ala-1:00 ng madaling araw nang magtalo at magkapikunan sa kanilang pinag-uusapan na nauwi sa murahan dahilan upang dumampot ng kutsilyo ang suspek at walang patumanggang tinadtad ng saksak ang biktima hanggang sa mapatay. Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ring dead-on-arrival habang nadakip naman agad ng mga pulis ang tumakas na suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with