^

Probinsiya

Ex-Sex Bomb dancer, 1 pa tiklo sa droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-Sex Bomb dancer, 1 pa tiklo sa droga

MANILA, Philippines — Inaresto  ng mga ­elemento ng pulisya ang isang dating miyembro ng “Sex Bomb dancers” at isa pang pinaghihinalaang drug pusher sa isinagawang buy bust operation sa Bay, Laguna kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Sr. Supt. Eleazar Matta, Provincial Police Office (PPO) Director ng Laguna Police, kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Sheena Joanna Uypico, 33-anyos, ng Brgy. San Gabriel at Elmer Senorises, 39,  ng Brgy. Guadalupe II; pawang ng lungsod.

Bandang alas-8:50 ng gabi nang masakote ang dalawang suspek ng mga operatiba ng Laguna Provincial Intelligence Branch at Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni Sr. Inspector Serafin Gapunuan sa buy-bust operation sa parking lot ng Jollibee Bay, Brgy. Dila, Bay  ng lalawigan. Nakipag-deal ang mga suspek sa poseur buyer ng pulis para sa bibilhing shabu. Nang aktong iniaabot ng da­lawa ang anim na piraso ng kulay kayumangging sobre na naglalaman ng shabu ay dito na sila dinakma ng mga pulis.

Nakuha kay Senorises ang  P6,000 cash na hinihinalang pinagbentahan nito ng shabu, cash at isang Honda Esi motorcycle. Nakuha naman kay Uypico ang isang kulay itim na coin purse na may limang maliliit na envelop na naglalaman ng 25 gramong shabu na nasa P70,000 ang halaga.

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with