^

Probinsiya

Parak utas, driver kritikal sa ambush!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Parak utas, driver kritikal sa ambush!
Kinilala ng Cotabato City Police ang nasa­wing pulis na sina SPO3 Rechel Mercader Libosada, 43, may asawa, ng Brgy. Cabpangi, Libungan, North Cotabato at nakatalaga sa Shariff Aguak Police Station.

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis habang kritikal ang driver ng sinakyan nitong habal-habal matapos silang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Ilang-Ilang Street, Mother Barangay Rosary Heights Cotabato City kahapon ng umaga.  

Kinilala ng Cotabato City Police ang nasa­wing pulis na sina SPO3 Rechel Mercader Libosada, 43, may asawa, ng Brgy. Cabpangi, Libungan, North Cotabato at nakatalaga sa Shariff Aguak Police Station.  

Nilalapatan naman ng lunas ang habal-habal driver na si Gerry Acopio Aniñon, 40, ng Purok Jasmin, Brgy. Rosary Heights 6, ng syudad. 

Base sa report, pasado alas-10 ng umaga kahapon nang pagbabarilin ng hindi pa nakikila­lang mga suspek ang mga biktima sa bahagi ng Ilang-Ilang Street, Mother Barangay Rosary Heights. 

Nanggaling umano si Libosada sa Notre Dame Avenue at patungo sana ng Sinsuat Avenue sakay ng habal-habal na minamaneho ni Aniñon nang sila ay abangan at pagbabarilin ng mga suspek gamit ang cal. 45 pistol.  

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib si Libosada na idineklarang dead-on-arrival sa ospital habang si Aniñon ay nagtamo ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang kung may kinalaman ito sa trabaho ng biktima bilang isang pulis.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with