^

Probinsiya

3 utas, 14 timbog sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
3 utas, 14 timbog sa drug ops
Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ang mga suspek na sina Noel Silvestre, 49, binata, ng Brgy. San Gabriel, Santa Maria at mga alyas ‘Richard’ at ‘Niño’, kapwa nasa hustong gulang at walang permanenteng tirahan.
File Photo

BULACAN, Philippines — Hindi na nakaporma pa ang tatlong lala­king sinasabing mga tulak ng shabu matapos na masawi sa isinagawang drug bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Brgy. San Gabriel, Santa Maria at Brgy. Perez sa Meycauayan City noong Lunes ng gabi.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ang mga suspek na sina Noel Silvestre, 49, binata, ng Brgy. San Gabriel, Santa Maria at mga alyas ‘Richard’ at ‘Niño’, kapwa nasa hustong gulang at walang permanenteng tirahan.

Sa unang ulat ni P/Supt. Carl Omar Fiel ng Santa Maria Police, dakong alas-8:30 ng gabi, nakipagkita ang isang poseur buyer na pulis kasama ang confidential asset kay Silvestre sa bahay nito upang bumili ng shabu. Habang nagpapalitan ng items ang magkabilang panig, nakahalata ang suspek na pulis ang kausap saka agad na pumasok ng bahay upang kumuha ng armas su­balit naging maagap ang pulis na pinaputukan ang una na nagresulta ng kamatayan nito.

Isinagawa naman ang ope­rasyon ng Meycauayan City Police sa El Camino Road, Brgy. Perez laban kina alyas Richard at Niño matapos makumpirma na nagsu-suplay ang mga suspek ng droga sa ilang residente at kabataan na nalulong sa drag racing sa lugar. Habang isinasagawa ang palitan ng droga at bayad, nakahalata ang mga suspek at tumakbo sa malawak na bukirin. Pinaputukan pa ang mga operatiba na nagresulta sa barilan at kamatayan ng dalawa.

Narekober sa dalawang operasyon ang isang .45 kalibre, dalawang 38 revolver, mga bala at basyo ng bala, 9 na pakete ng shabu na nasa P77,000, at dalawang tig-P500 marked money na ginamit sa operasyon.

Samantala, aabot sa 14 katao ang naaresto sa isina­gawang drug bust operations ng pulisya sa Meycauayan City, San Jose Del Monte City, San Rafael, Obando, San Miguel, Hagonoy, Plaridel, Santa Maria at Angat at nakarekober ng aabot sa 44 sachet ng shabu at mga marked money.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with