^

Probinsiya

Trader tinodas sa birthday ng ina

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasawi sa mismong birthday ng kanyang nanay ang isang 30-anyos na binatang negosyante matapos na pagbabarilin ng kanyang dating kaalitan dahil sa hinihinalang pagseselos habang nakikipag-inuman ang biktima sa Sitio Bagong-pook, Brgy. GRS, Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Ragay District Hospital dahil sa maselang mga tama ng punglo sa katawan ang biktimang kinilalang si Glen Tamayor nang nasabing barangay habang tinutugis na ng pulisya ang suspek na si Geronimo Gamier, 26, may asawa at kapwa re­si­dente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-7:10 ng gabi, habang nag-iinuman at nagkakasayahan ang biktima kasama ang ilang bisita at kamag- anak sa birthday party ng kanyang ina nang duma­ting ang suspek bitbit ang isang kalibre 45 baril at bigla na lang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang nasabing negosyante. Nang makitang bumulagta, mabilis na tumakas ang suspek.

Isa sa anggulong tini­tingnan ng mga pulis ay ang matagal nang alitan ng biktima at suspek dahil sa umano’y pagseselos na hindi idinetalye.

vuukle comment

TRADER SHOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with