Tanod tinodas

LEGAZPI, Albay, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 54-anyos na tanod ng barangay makaraang pagbabarilin sa harap mismo ng kanilang tahanan ng hindi nakilalang suspek sa Brgy. Magogon sa bayan ng Camalig, Albay, kamakalawa ng gabi.
Sanhi ng mga tinamong tama ng punglo, nasawi noon din ang biktimang si Roberto Montecalbo, residente at aktibong miyembro ng tanod sa kanilang barangay. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:20 ng gabi habang nasa loob ng bahay ang biktima nang may tumawag na lalaki sa labas ng kanilang bahay.
Lumabas ng bahay ang biktima upang tingnan kung sino ang tumatawag pero narinig na lang ng kanyang mga kaanak ang magkakasunod na putok. Agad tumakbo palabas ang anak na si Sandy Montecalbo para tingnan ang nangyari at laking gulat nito nang makitang patay na ang kanyang ama. Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis sa pagkakakilanlan at motibo ng salarin sa pamamaril.
- Latest






















