^

Probinsiya

Droga taya sa ‘cara y cruz’, tulak utas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Droga taya sa �cara y cruz�, tulak utas
Kinilala ni P/Supt. ­Ro­mulo Albacea, chief of police rito ang napaslang na suspek na si Edwin Zoleta, 49, may asawa, residente ng nasa­bing lugar at umano’y nasa drug watchlist ng pulisya.

LUCENA CITY , Philippines  —  Patay ang isang lalaki na nagpapataya umano ng droga sa sugal na “cara y cruz” makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa isinasagawang anti-drug operation sa Purok 2, Brgy. Barra, kahapon ng madaling araw.

 Kinilala ni P/Supt. ­Ro­mulo Albacea, chief of police rito ang napaslang na suspek na si Edwin Zoleta, 49, may asawa, residente ng nasa­bing lugar at umano’y nasa drug watchlist ng pulisya.

Dakong alas-3:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga awtoridad sa bahay ng suspek na ginagamit ding drug den ang buy bust operation.

Nahalata umano ng suspek na pulis ang katransaksyon sanhi upang bumunot ng kalibre 38 at nagpaputok subalit walang tinamaan. Dito na napuruhan ang suspek nang gumanti ang mga awtoridad at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang kalibre 38 revolver, isang plastic sachet ng shabu na may timbang na .59 gramo, P1,000 marked money at drug paraphernalia.

Ayon kay Supt. Albace, may ilang araw nilang minanmanan ang kilos ng suspek at bukod sa pagtutulak ng droga ay ginagamit din nitong front sa ilegal na gawain ang ‘cara y cruz’ at droga umano ang itinataya sa sugal.

Inamin naman ng mga kaanak ng biktima na gu­magamit ng droga ang suspek subalit hindi umano siya tulak.

Gayunman, sa pagsisiyasat ng SOCO,  nakuha sa bahay ng suspek ang isang coin purse na may lamang P1,991 cash, 11 plastic sachet ng shabu at isang cellphone na may mga txt messages ng suspek at kanyang mga kustomer sa ilegal na droga.

vuukle comment

CITY DRUG ENFORCEMENT UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with