Pastor lasog sa motorsiklo
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nalasog ang katawan ng isang 69 anyos na pastor ng Born Again Christians matapos mabangga ang sinasakyang biseklita ng rumaragasang motorsiklo sa kahabaan ng municipal road ng Brgy. Danawan, Libmanan, Cam Sur kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Romeo Somedo, ng Brgy. Bagadion habang sugatan ang rider ng motorsiklo na si Marciano Agapor, 55, ng Brgy. Danawan. Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, alas-6:30 ng gabi habang pauwi ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng kalsada nang masalpok ng motorsiklo (EC-59464) ni Agapor.
Sa lakas ng pagkakabangga, parehong tumilapon sa kalsada sina Somedo at Agapor. Agad silang sinaklolohan ng mga residente at dinala sa Libmanan District Hospital pero idineklarang patay si Somedo.
- Latest