^

Probinsiya

Magkapatid na lider ng sindikato ng droga, 1 pa todas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong drug suspect kabilang ang isang magkapatid na hinihinalang lider ng sindikato ng droga matapos na mauwi sa shootout ang buy bust operation sa Brgy. Duljo-Fatima, Cebu City, noong Miyerkules ng gabi .

Kinilala ang mga nasa­wing suspect na sina Romeo at Joseph Oralde; magka­patid na lider ng sindikato ng droga at isang alyas Ace. Ang magkapatid ay lider ng Oralde drug group na nag-ooperate sa Central Visayas Region.

Ang mga suspek ay pawang nasa drug watch list ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Sa ulat ng Cebu City Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang isagawa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group 7 at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7  ang buy bust operations sa lugar laban sa mga target ng anti-drug campaign.

Gayunman, agad na pinaputukan ng mga suspek ang mga operatiba matapos na matunugan na mga awtoridad ang kanilang ka-deal sa transakyon ng droga.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga suspek kung saan magkakasunod na duguang bumulagta ang mga target na dinala sa ospital, pero idineklarang dead on arrival.

Nakumpiska mula sa bangkay ng mga suspek ang 400 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P5.9 M.

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

DRUG SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with