^

Probinsiya

Mister niratrat sa harap ng kinakasama

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Duguang bumulagta sa harap mismo ng kanyang live-in partner ang isang 50-anyos na lalaki matapos na pasukin at pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Baya, Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din dahil sa tama ng mga bala sa katawan ang biktimang si Segundo Gayacao.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-7:30 ng gabi habang nagpapahinga na sa loob ng kanilang bahay si Gayacao kasama ang kanyang kinakasamang si Elvie Mora nang tatlong gunmen ang puwersahang pumasok at tinutukan ng baril ang biktima.

Nagtangkang manlaban ang biktima pero singawan siya ng isa sa mga gunmen na huwag nang lumaban at saka siya sunud-sunod na pinaputukan.

Tumakas ang mga suspek na naglakad lang palayo. Pitong basyo ng kalibre .45 pistol ang nakuha sa lugar.

vuukle comment

MAN SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with