^

Probinsiya

Lalaki inutas ng kapitbahay

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang 35-anyos na mister matapos siyang tadtarin ng saksak ng kanyang kabitbahay makaraan ng isang mainit na pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Tanza, Cavite.

Dead-on-arrival ang bikitima na nagtamo ng maraming saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na si Jose, Jr. Arias, may asawa, at residente ng 150 Brgy. Punta 1, Tanza, Cavite. 

Naaresto naman ang suspek sa follow-up operation ng pulisya na nakilalang si Kelvin Hilario 25-anyos, welder, at residente ng Carissa Homes way, Purok 7, Brgy. Punta 1,Tanza, Cavite. 

Sa ulat ng pulisya, alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente matapos na magtalo ang dalawa na ikinapikon ng suspek. 

Dahil dito, sunud-sunod na inundayan ng saksak ng suspek ang biktima bago tuluyang tumakas.  Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

MAN STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with