^

Probinsiya

Bahay ng vice mayor ni-raid: Mga baril, granada samsam

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng vice mayor ni-raid: Mga baril, granada samsam

Nasamsam sa loob ng bahay ni Vice Mayor Gilberto Santos (inset photo) ang mga baril at granada matapos na salakayin ng puwersa ng PNP-AKG at iba pang sangay ng pulisya sa bisa ng ipinalabas na search warrant sa Brgy. Binagbag, Angat, Bulacan nitong Martes ng madaling araw. Boy Cruz

BULACAN - Sina­lakay ng puwersa ng PNP-Anti-Kidnapping Group at iba pang sa­ngay ng pulisya ang bahay ng kasalukuyang vice mayor ng bayan ng Angat ng lalawigang ito at sinasabing lider at financier ng notoryus na kidnapping group at nakasamsam ng mga baril at granada nitong Martes ng madaling araw.

Wala sa bahay ang sinasabing lider na si incumbent Vice Mayor Gilberto “Reggie” Santos, 54, residente ng Brgy. Binagbag sa naturang bayan nang pasukin ng mga pulisya ang bahay nito sa bisa ng ipinalabas na search warrant ni Judge Johnmuel Romano Mendoza ng RTC Br. 26 at vice executive judge sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni P/Supt. Ramil Montilla, ground commander ng PNP-AKG dakong alas-4:30 ng madaling araw ay sinalakay ng kanyang mga tauhan at Regional Mobile Force Battalion na nakabase sa Camp Julian Olivas, Pampanga ang bahay ng vice mayor saka inumpisahan ang paghahalughog sa naturang bahay na nagresulta ng pagkakasamsam ng dalawang .45 kalibre,dalawang magasine nito, mga bala at dalawang fragmentation grenade na hinihinalang walang mga kaukulang dokumento.

Mariin namang kinondena ni Atty. Ma. Teresa Santos-Villafuerte kapatid ni Vice Mayor Reggie Santos ang ginawang marahas na pagsalakay ng pulisya sa loob ng kanilang bahay.

Sa tala, nasangkot ang pangalan ng vice mayor matapos na maaresto ang isang miyembro ng kidnapping group na si Donato Jacob sa isinagawang follow up operation nang mapatay sa madugong encounter si P/Supt. Arthur Masungsong, hepe ng PNP-AKG Luzon Field Unit at malubhang pagkasugat ni P/Cinsp. Reynaldo Lumactod Jr. sa naganap na shootout sa isang lugar sa Brgy. Santa Lucia, Angat noong Dis­yembre 23, 2017.

Bago ito, kinidnap ng grupo ang biktimang si Raziel Esguerra-Bungay sa kanilang bahay sa Biñan City,Laguna nuong gabi ng Disyembre 22,2017 at pinatutubos sa halagang P15-milyong piso para sa kalayaan nito at nagkasundong magbabayaran sa isang gasolinahan sa Brgy. Burol 1st sa Balagtas, Bulacan ngunit nagbago ang isip ng mga kidnapper saka muling ikinasa ang ransom pay-off sa isang lugar sa bayan ng Angat hanggang sa maganap ang madugong shootout.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with