^

Probinsiya

DENR employee utas sa katrabaho

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Tamad maghugas ng pinagkainan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  — Dahil sa pagtangging maghugas ng kanilang pinagkainan, utas ang isang 47-anyos na kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos ratratin ng kanyang katrabaho sa loob ng seedling nursery ng kagawaran sa  Brgy. Cacafean, Marcos, Ilocos Norte kamakalawa.  ?

Kinilala ni Sr. Insp. Joseph Calderon, hepe ng Marcos Police ang napatay na si Marcial Barid, 47, habang ang suspek ay si Ronald Bineg, 39.?

Ayon kay Calderon,  kapwa lasing ang dalawa ng magtalo kung sino ang maghuhugas ng kanilang pinaglaklakan sa loob ng nursery hanggang sa humantong ito sa pamamaril ni Bineg sa kasama dakong alas-8 ng gabi. ?

Tumakas si Bineg subalit kalaunan ay sumuko kay Chairwoman Helen Abrigado ng nasabing barangay.?

Tinunton pa ng pulisya ang murder weapon na isang cal. 30 carbine rifle base sa narekober na basyo ng bala sa crime scene.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with