^

Probinsiya

Shootout: 2 karnaper utas

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Dalawa-katao na sinasabing notoryus na karnaper ang bumulagta makaraang kumasa at makipagbarilan sa mga pulis sa panulukan ng Barangay Kenram sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat kahapon ng umaga. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Raul Supiter, provincial director ng Sultan Kudarat police, tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ng biktimang si Florencio Vivencio Jr. sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Dansuli sa nasabing bayan. Mabilis na nagreklamo ang biktima sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan kaya naglatag ng checkpoint at namatay ang dalawa sa shootout. Narekober sa crime scene ang isang granada, cal .45 pistol, 2 bala, 2 plastic sachet na shabu at ang motorsiklo ng biktima. Sa ngayon inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawa na sinasabing mga nakatira sa Maguindanao.

 

vuukle comment

RAUL SUPITER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with