^

Probinsiya

2 bike vs kuliglig: 1 dedo, 4 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines – Patay ang 14-anyos na binatilyo habang kritikal naman ang apat matapos salpukin ng dalawang motorsiklo ang nakaparadang traktorang kuliglig sa tabi ng kalsada sa Barangay Toran, bayan ng Aparri, Cagayan kahapon ng madaling araw. Kinilala ni SPO1 Florentino Usita Jr. ang namatay na si Steve Jones Campo habang isinugod sa pagamutan sina Francis Rey Arribbay, 21; Kenneth Villamor, 16; Ian James Calata, 16; at si Roderick Calata, 14, mga residente ng Barangay Macanaya. Sinasabing nagkakarera ang dalawang motorsiklo para humabol sa inuman nang unang salpukin ni Arribbay ang nakaparadang kuliglig kasunod si Calata. Sa lakas ng salpok ay nagsitilapon sa ere bago nagpagulung-gulong ang mga biktima. Idineklarang patay sa Toran District Hospital si Campo na kaangkas ni Arribay na inilipat naman sa Cagayan Valley Medical Center kasama si Villamor.

vuukle comment

APARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with