^

Probinsiya

LBC pinasok: Holdaper utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang isa sa pitong holdaper na responsable sa panloloob sa LBC money remittance center matapos na kumasa sa tumugis na mga operatiba ng pulisya sa Brgy. San Cristobal, Calamba City, Laguna nitong Huwebes ng gabi. Kinilala ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/Supt. Joel Pernito ang napatay na si Jonathan Domingo alyas Pulo Maligno, miyembro ng notoryus na robbery/holdup gang. Nauna rito, hinoldap umano ng mga suspek ang isang sangay ng LBC sa Brgy. Banlic, Cabuyao, pasado alas-2 ng hapon. Walang nagawa ang mga tellers at guwardya ng LBC matapos na tutukan ng baril ng mga holdaper at tina­ngay sa P20,000 cash saka nagsitakas sa hiwa-hiwalay ng direksyon. Sa hot pursuit operations ng  Calamba City Police at Cabuyao Police sa pangunguna ni C/Insp. Leopoldo Ferrer, napatay si Domingo nang lumaban umano matapos salakayin ang kanyang pinagtataguan sa Brgy. Cristobal, Calamba City dakong alas-10 ng gabi.

vuukle comment

LBC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with