^

Probinsiya

Bunso sinaksak ng kuya, dedo

Joy Cantos at Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naging mitsa ng kamatayan ng 30-anyos na mister ang panunutok nito ng baril sa pamilya ng kaniyang nakatatandang kapatid matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kuya sa Barangay Nanipsan, bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa tiyan ang biktimang si Diego Maputol habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si George Maputol, 49, magsasaka, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naghahapunan ang suspek kasama ang kaniyang mag-iina nang biglang dumating ang biktimang may bitbit na shotgun at lango sa alak. Tinutukan ng biktima ang pamilya ng suspek at sinabing tig-iisang bala lamang ang mga ito sabay halakhak na tila nanunuya. Sa puntong ito ay nagpambuno ang magkapatid kung saan ay nagawang mahagip ng suspek ang kutsilyo at tinarakan ang kapatid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with