^

Probinsiya

Binata dinedo ng mga ‘adik’ sa restobar

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Dahil sa sinasabing masamang titig ay napatay ang 21-anyos na binata matapos itong barilin ng grupo ng adik na kalala­kihan sa loob ng restobar sa Barangay Camalig, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Wendyl Igot habang sugatan naman matapos tamaan ng ligaw na bala ang magpinsang sina Luisito Tubo, 25; at Marvin Tubo, 21, mga nakatira sa Amparo Compund sa Brgy. Bahay Pare nasabing lungsod.

Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na si Jake Rodriguez, 25, habang tinutugis ang iba pang suspek na sinasabing mga adik na sina Joel San Gabriel at Sammy Torres, mga residente sa nasabing lungsod.

Sa police report na isinumite sa Camp Alejo Santos, nag-iinuman ang mga biktima sa Lians-Lhen Restobar sa El Camino Road nang dumating naman ang mga suspek na uminom din ng alak sa hindi kalayuang mesa.

Gayon pa man, biglang napatitig ang isa sa biktima sa suspek na minamasama nito kaya nauwi sa pamamalo ng bote ng alak sa magkapatid habang binaril naman ni Rodriguez si Igot.

vuukle comment

AMPARO COMPUND

ANG

BAHAY PARE

BARANGAY CAMALIG

CAMP ALEJO SANTOS

EL CAMINO ROAD

JAKE RODRIGUEZ

JOEL SAN GABRIEL

LIANS-LHEN RESTOBAR

LUISITO TUBO

MARVIN TUBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with