^

Probinsiya

2 sinunog sa loob ng sasakyan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang hindi kilalang babae at lalaki ang natagpuan sa loob ng sasakyang sinunog sa kahabaan ng road dike sa Brgy. Dimasalang, bayan ng Talavera, Nueva Ecija noong Linggo ng hatinggabi, ayon sa ulat kahapon. Sa inisyal na ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, dalawang sasakyan ang dumaraan sa nasabing lugar bago nakarinig  ng pagsabog kung saan isa sa mga sasakyan ang biglang nagliyab. Ayon sa pulisya, isang oras bago naapula ang nagliliyab na sasakyan kung saan natagpuan ang dalawang bangkay na halos natusta. Lumitaw naman sa imbestigasyon na may butas sa bungo at dibdib ang mga biktima na palatandaang binaril muna saka sinunog sa loob ng sasakyan upang itago ang krimen.

vuukle comment

ANG

AYON

BRGY

CAMP CRAME

DALAWANG

DIMASALANG

LINGGO

LUMITAW

NUEVA ECIJA

SASAKYAN

TALAVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with