^

Probinsiya

Lolo kinatay ng mag-ama

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 60-anyos na lolo matapos itong pagtulungang tagain ng mag-ama at isa pa sa Barangay Matictic, bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rolando Saplala ng Sitio Malaganit sa nabanggit na barangay. Naaresto sa follow-up operation ng pulisya ang isa sa tatlong suspek na si Nestor Baldoza, 50, habang tugis naman ang anak nitong si Jerson Baldoza at isang di-kilalang lalaki. Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Dennis Diaz, pauwi na ang biktima nang harangin at komprontahin ng mga suspek kaugnay sa isinampang kaso kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo. Sa kalagitnaan ng pagtatalo ay pinagtulungang pagtatagain ng mga suspek ang biktima hanggang sa mapatay.

vuukle comment

ANG

BARANGAY MATICTIC

BULACAN

DENNIS DIAZ

JERSON BALDOZA

KINILALA

NAARESTO

NESTOR BALDOZA

NORZAGARAY

ROLANDO SAPLALA

SITIO MALAGANIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with