^

Probinsiya

Apo ng gob. na dinukot, nasagip

Raymund Catindig at Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nasagip ng pulisya ang kinidnap na 6-anyos na apo ni Caga­yan Go­vernor Alvaro Antonio matapos itong ma-intercept sa pampasaherong bus patungong Maynila sa Barangay Quezon, bayan ng Solano, Nueva Vizcaya noong Miyerkules ng gabi.?

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Billy Mangali, hepe ng Solano PNP, lumabas sa imbestigasyon na dakong alas-9 ng umaga nang yayain ng suspek na si Ramil Olivar ang batang si Prince Niño Antonio na magmer­yenda mula sa  paaralan sa Barangay Centro, bayan ng Alcala, Cagayan.

Subalit mabilis na isinakay ang biktima  sa pampasaherong bus na patu­ngong Maynila.Nabatid na ang ama ng bata ay pamang­kin at kawani ni AGBIAG Party­list Rep. Patrick Antonio na utol naman ng nasabing gobernador.

Sinasabing ang suspek ay iniwan ng asawa sa bayan ng Moncada, Tarlac kung saan binasted naman sa panliligaw ng tiyahin ng batang Antonio.?

Layunin ng suspek na makaharap nito ang babaeng bumasted sa kanya kaya naisipang dukutin ang bata.

vuukle comment

ACIRC

ALVARO ANTONIO

ANG

BARANGAY CENTRO

BARANGAY QUEZON

BILLY MANGALI

CHIEF INSP

MAYNILA

NUEVA VIZCAYA

PATRICK ANTONIO

PRINCE NI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with