^

Probinsiya

Senglot pinabulagta sa reunion

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bumulagta ang 27-anyos na magsasakang senglot habang sugatan naman ang 8-anyos na totoy matapos magwala ang senglot nitong tiyuhin sa masayang reunion sa Barangay Calao Norte, bayan ng Lasam, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Ramil Alipio, hepe ng Lasam PNP ang napatay na si Eduardo Tejano habang nasakote naman ang suspek na si Ariel Udani, 32. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkasagutan ang dalawa habang nag-iinuman na humantong sa pagwawala ng suspek gamit ang cal. 45 pistol kung saan sunud-sunod na pinutukan ang biktima. Tinamaan naman ng ligaw na bala ang totoy na si Samir Adrian Pagulayan na isinugod ng mga kaanak sa pagamutan. Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya naaresto ang suspek subalit nabigong makuha ang murder weapon.?

vuukle comment

ANG

ARIEL UDANI

BARANGAY CALAO NORTE

BUMULAGTA

CHIEF INSP

EDUARDO TEJANO

KINILALA

LASAM

RAMIL ALIPIO

SAMIR ADRIAN PAGULAYAN

TINAMAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with