^

Probinsiya

Ama pinalakol ng anak, patay

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang senglot na ama matapos itong palakulin ng ilang ulit ng sariling anak dahil sa pananampal sa kanyang ka-live-in sa kanilang bahay sa Sitio Tobog, Barangay Lourdes sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa mukha at dibdib ang biktimang si Domingo Alumbro habang nasakote naman ang suspek na si Romeo “Tolome” Alumbro, 21, mga nakatira sa nasabing barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, lumitaw na lango sa alak ang biktima nang dumating sa kanilang bahay kung saan nadatnan nito ang anak na lalaki at ka-live-in na si Shiela Iglesia na nag-uusap sa sala.

Gayon pa man, sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang sinampal ng biktima ang ka-live-in ng kanyang anak na lalaki kung saan sumiklab ang galit ng suspek.

Kaagad na kinuha ng suspek ang palakol na nakasabit sa dingding ng kanilang bahay saka pinagtataga ang kanyang tatay hanggang sa duguang bumulagta.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, nabatid  na masama ang loob ng ama sa sariling anak dahil sa napaaga itong nakipag-live-in imbes na maghanap ng trabaho bago ito makisama sa dalaga.

vuukle comment

ALUMBRO

ANG

BARANGAY LOURDES

BUHI

CAMARINES SUR

CAMP SIMEON OLA

DOMINGO ALUMBRO

GAYON

KAAGAD

SHIELA IGLESIA

SITIO TOBOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with