^

Probinsiya

Misis kinatay ng selosong live-in partner

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 40-an­yos na ginang nang siya ay pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Malaybalay City, Bukidnon kamakalawa ng gabi dahil sa matinding selos.

Kinilala ang biktima na si Lolita Gabisan na  idineklarang dead-on-arrival sa Bukidnon Provincial Medical Center sanhi ng malalalim na saksak na tinamo sa katawan partikular sa kaniyang likuran.

Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Johnny Betonio, nasa hustong gulang  na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Democrito Asiong, Spokesman ng Bukidnon Police naitala ang krimen sa tahanan ng maglive-in partner sa Purok 6, Brgy. Casisang, Malaybalay City ng lalawigang ito bandang alas-8:42 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang ginang  nang magising ito sa malakas na kalabog na nilikha ng naiiritang suspek na labis umanong nagseselos sa biktima.

Nauwi ito sa mainitang pagtatalo kung saan ay pinararatangan umano ng suspek ang ginang  na may kinahuhumalingang ibang lalaki  hanggang sa pagsasaksakin nito ang biktima.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

BUKIDNON

BUKIDNON POLICE

BUKIDNON PROVINCIAL MEDICAL CENTER

CHIEF INSPECTOR DEMOCRITO ASIONG

JOHNNY BETONIO

LOLITA GABISAN

MALAYBALAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with