^

Probinsiya

2-anyos naabo sa sunog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Namatay ang 2-anyos na nene makaraang masunog ang 23 kabahayan at establisyemento sa Barangay Masipag sa bayan ng Macalelon, Quezon kamaka­lawa ng hapon.

Sa ulat ng Macalelon BFP, kinilala ang biktima na si Aga­tha Baluyot na natagpuang halos abo na ang buong katawan matapos na sumiklab ang sunog na umabot sa tatlong oras.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala-1:40 ng hapon ng nagsimula ang sunog sa kisame ng bagong gawang palengke sa nasa­bing bayan.

Dahil sa init ng panahon ay mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na establisimento at kabahayan.

Bandang alas-4:30 na ng hapon nang maapula ang sunog matapos rumesponde ang mga bumbero mula sa mga kalapit na bayan sa Bondoc Peninsula at bayan ng Gumaca, Quezon.

Aabot naman sa 43 pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa P5 milyong halaga ng ari-arian habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

AABOT

ACIRC

ANG

BALUYOT

BANDANG

BARANGAY MASIPAG

BONDOC PENINSULA

DAHIL

GUMACA

MACALELON

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with