^

Probinsiya

Drug pusher sa selda, tiklo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Tuluyang nakulong ang 45-anyos na tulak ng droga matapos itong arestuhin kaugnay sa tangkang magpuslit ng shabu sa loob ng selda ng kanyang kaibigan sa Barangay Poblacion 1, bayan ng Real, Quezon kamakalawa ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek na si Aileen Orozo, dalaga at nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na dadalaw sana ang suspek sa nakapiit na kaibigang si Geraldine Luna subalit hindi na ito napasailalim sa ins­pection dahil sa rami ng mga nagdaratingang dadalaw sa mga kaanak na nakapiit sa kulungan. Gayon pa man, napansin ng guwardiya na may inihagis ang suspek sa selda ng kaibigan kaya mabilis itong siniyasat kung saan natuklasan na isang plastic sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia. Hindi na pinakawalan ng mga awtoridad ang suspek dahil sa modus nito.

vuukle comment

ACIRC

AILEEN OROZO

ANG

BARANGAY POBLACION

GAYON

GERALDINE LUNA

MGA

NAHAHARAP

QUEZON

SUSPEK

TULUYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with